Umapela ang D.E.N.R o Department of Environment and Natural Resources sa publiko ngayong paggunita ng undas na panatilihin maayos at malinis ang mga sementeryo.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, kada taon na lamang tuwing pagkatapos ng Undas ay tone-toneladang basura ang nakokolekta sa mga sementeryo.
Hinimok din ng kalihim sa mga magtutungo sa sementeryo na paghiwalayin ng maaayos ang kanilang basura sa mga bulok at sa mga hindi nabubulok.
Nanawagan din ng kalinisan sa publiko si Representative Winston Castelo sa mga sementeryo.
Paliwanag ni Castelo, noong nakaraan taon ay umabot sa isang daan at aninaput walong truck ang kinakailangan gamitin ng metropolitan Manila Development Authority para kolekatahin ang mahigit sa isang libong toneladang basura na karamihan pa ay gawa sa styrofoam at plastic.