Nag-donate ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng P500K halaga ng lumber o kahoy sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette sa Southern Leyte.
Ayon sa DENR, ang donasyong sari-saring piraso ng kahoy ay galing sa mga nakumpiskang undocumented forest products sa Samar Island.
Ang mga nakatanggap na barangay at munisipalidad sa Southern Leyte ang mga lugar sa mga Barangay ng Son-Ok, Pintuyan; Candayuman, Liloan at limasawa na pinaka-naapektuhan ng bagyo.
Bukod sa mga kahoy, nag-donate din ang ahensya ng mga relief goods, used clothing, cash assistance sa lahat ng empleyado ng DENR na apektado sa lalawigan. —sa panulat ni Kim Gomez