Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Nationwide Solid Waste Management Advocacy Campaign para sa pangangalaga sa kapaligiran at tamang pangangasiwa at pagtatapon ng basura
Kabilang sa naturang advocacy campaign ay upang magbigay mulat sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ipinabatid ni Undersecretary Benny Antiporda, kasama sa DENR solid waste management campaign ay ang basura buster, isang free, web-based game application para sa mga batang may edad na 5 hanggang 8 taon gulang.
Ang naturang kampanya ay ginawa upang mapabilis ang pagkakaroon ng malusog, luntian at malinis na Pilipinas sa gitna ng mga banta sa kalikasan sa bansa at sa buong mundo.
Samantala, umaasa ang DENR na susuportahan ang nasabing kumpanya para sa tamang pangangasiwa at pagtatapon ng basura sa pang-araw-araw na pamumuhay.