Pinagtutuunan na ng pansin ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang kanilang october deadline para sa muling pagbubukas ng Boracay Island na isinara sa publiko ng anim na buwan para isailalim sa rehabilitasyon.
Ginawa ni DENR Undersecretary Jonas Leones ang pahayag kasunod ng halos tatlong buwan nang pagkakasara ng isla simula noong Abril 26.
Ayon kay Leones, nakatutok na ngayon ang kanilang mga mata at plano para sa re-opening ng Boracay sa darating na buwan ng Oktubre.
Pahayag ni Leones, umani ng mga positibong resulta ang isinasagawa nilang rehab effort sa isla matapos itong ipasara sa mga turista dahil sa mga natuklasang environmental problems.