Ilulunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang “Community Pan-Tree” kung saan mamamahagi sila ng libreng binhi ng mga gulay at prutas.
Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng earth day kung saan ang kanilang naging tema ay “magtanim ayon sa kakayahan, umani ayon sa pangangailangan”
Ang Community Pan-Tree ay hango sa binuksang community pantries sa iba’t ibang panig ng bansa para makatulong sa mga mahihirap.
Ayon sa DENR-National Capital Region, sa simpleng hakbang na ito, umaasa silang matutugunan nito ang isyu ng food security sa rehiyon.
Inaasahan din na makatutulong ang gardening o pagtatanim para maiwasan ang pagkakaroon ng mamamayan ng stress dahil sa nararanasang pandemya.