Nakikipag-ugnayan na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Maritime Industry Authority (MARINA).
Ito’y para makapagbalangkas ng mahigpit na mga panuntunan hinggil sa iligal na pagdaong ng mga barko sa kahabaan ng Ilog Pasig.
Una nang ipinag-utos ni DENR Sec. Roy Cimatu sa lahat ng mga barkong nakadaong sa Ilog Pasig na umalis dahil hindi naman aniya iyon isang parking area.
Iginiit ni Cimatu na siya ring chairman ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na maliban sa pagiging eyesore, nakapagpapadumi rin sa ilog ang mga barko.
Bagama’t katanggap tanggap naman ang pagdaong ng mga barko sa Ilog Pasig tuwing masama ang panahon subalit ibang usapan na aniya kung mananatili na ang mga ito sa mahabang panahon.