Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources ng mas maigting na kampanya Kontra sa iligal na pagbebenta ng mga hayop na nanganganib ng maubos o Endangered Species.
Ito ang mensahe ni outgoing Environment Secretary Ramon Paje matapos pangunahan ang lokal na selebrasyon ng World Environment Day na may temang “go wild for life, combat biodiversity loss.”
Binigyang diin ni Paje na dapat lamang maging matindi ang kampanya kontra sa iligal na bentahan at panghuhuli ng mga hayop sa bansa.
Nangangamba ang Kalihim na kung magpapatuloy ang illegal poaching ay posibleng maubos at mawala ng tuluyan ang mga endangered species.
Kabilang sa mga hayop na nanganganib maubos ay Agila, Tarsier, Pagong, Tamaraw maging mga Buwaya.
By: Drew Nacino