Nilinaw ng DENR na bawal ang mga batang edad 11 pababa sa Manila bay Dolomite beach taliwas ito sa nauna nilang pahayag na ang ban ay para sa mga 12 anyos pababa lamang.
Ito, ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ay dahil sa umiiral na alert level 3 sa Metro Manila.
Kabilang anya sa pinagbatayan sa bagong polisiya, ang gumugulong napagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 12 hanggang 17.
Humingi naman ng pang-unawa si Antiporda sa publiko at bagaman maaaring magtungo sa mga open area gaya ng dolomite beach, naging crowded naman ito gaya noong linggo.
Nais lamang anya nilang matiyak na ligtas ang mga bata upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.—sa panulat ni Drew Nacino