Patay sa pamamaril ang isang opisyal ng DENR sa Palawan.
Sa inisyal na imbestigasyon, inatake ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang biktimang si Acting CENRO official Fernando Alejo sa harap ng Aglipayan Church sa Rizal Avenue bandang alas-5:00 ng hapon.
Binawian ng buhay ang biktima, habang isinusugod sa Narra Municipal Hospital.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa naturang pamamaslang.
By: Meann Tanbio