Pabor ang Department of Environement and Natural Resources (DENR) sa suhestyon na gamitin bilang water source ang Laguna Lake para masolusyunan ang krisis sa tubig sa Metro Manila.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, lumalaki na ang populasyon sa Metro Manila at nag-iiba na ang water consumption kaya aprubado nila ang naturang suhestyon.
Maaari naman daw taasan pa ng mga water concessionaires ang dami ng kinukuha mula sa Laguna Lake ayon kay Laguna Lake Development Authority General Manager Jaime Medina.
Sa ngayon ay 3% ng tubig sa Laguna Lake ang kinukuha ng dalawang concessionaires.