Pinagigiba na ng Department of Natural Resources ang mga iligal na istrukturang nakatayo sa katubigan at baybayin ng Coron bay sa Palawan.
Batay sa ipinadalang eviction notice ng DENR, binibigyan ng 30 araw ang 75 business owners na nakitaan ng paglabag partikular ang mga mula sa Poblacion Uno, Tres, Singko at Barangay Tagumpay.
Ayon kay Task Force Coron head engineer Roman Legaspi, malinaw na nakasaad sa batas ang three meter no build zones sa mga urban area.
Layon aniya ng paghihigpit na ito na mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kagandahan ng Coron.