Pinapurihan ng mga dumagat tribal leader ang pagpapatigil ng Department of Environment and Natural Resources sa quarrying activities sa upper Marikina watershed sa Sierra Madre.
Ito’Y makaraang kanselahin ng DENR ang apat na Mineral Product Sharing Agreements (MPSA)a upper Marikina river basin protected landscape sa ginanap na senate budget hearing noong November 16.
Inihayag ni DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga na dalawang MPSA ang kanselado na habang ang dalawa pa ay nabigyan na ng notice para sa kanselasyon at naghihintay na lamang ng 90 day effectivity.
Sa nilagdaang liham ng mga dumagat, nawala anila ang nararamdaman nilang takot at napalitan ng katiwasayan ang mga katutubong naninirahan sa kabundukan ng Rizal.
Bago ang anunsiyo ng kalihim, ang kinanselang mga MPSA ay sinuspinde lamang sa kabila ng public announcement hinggil sa kanselasyon ni dating DENR Secretary Roy Cimatu noong 2020.
Tiniyak naman ni Loyzaga na wala nang MPSA sa loob ng protected area ng upper Marikina river basin, dahil sa batas kung saan ipinagbabawal aniya ang pag-quarry at pagmimina sa loob ng mga protektadong lugar.