Nabuhayan ng loob ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maaari pang dumami ang agila o Philippine Eagle sa Sierra Madre Region.
Ito makaraang ma-i-turn over sa ahensya ang batang agila na nailigtas ng isang magsasaka sa bayan ng dingalan sa Aurora Province.
Ayon kay Theresa Mundita lim, Direktor ng DENR Biodiversity Management Bureau o BMB ang batang agila ang palatandaan na mayroong mga agila sa Sierra Madre Region na maaaring magparami.
Malusog naman anya ang batang agila na ngayon ay nailipat na sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City para sa rehabilitasyon.
Naipit ang batang agila sa isang patibong na para sana sa mga unggoy.
Ang mismong gumawa ng patibong ang nagligtas sa agila at humingi ng tulong sa barangay officials upang mai-turn over sa DENR ang batang agila.
Ang pagkakaligtas sa agila ay naisabay sa paggunita sa Philippine Eagle week mula June 4 hanggang sa 10.
By Len Aguirre