Pumasok na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa usapin ng umano’y bentahan ng mga ancestral domain ng mga katutubo.
Ayon kay DENR Spokesman Usec. Jonas Leones, malinaw sa itinatakda ng batas na hindi maaaring ibenta ng mga may hawak ng Certificate of Ancestral Domain ang kanilang lupain sa pribadong sektor at hindi miyembro ng tribo.
Dahil dito, makikipag-ugnayan ang DENR sa National Commission on Indigenous People para isaayos ang policy direction sa mga claim hinggil sa ancestral domains.
Nag-ugat ang usapin nang magkaroon ng gusot matapos umusbong ang ancestral domain claims sa mga protected areas partikular na sa Upper Marikina River Basin Landscape.