Hindi pa handa si Environment Secretary Roy Cimatu na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 60 araw o dalawang buwang pagpapasara sa isla ng Boracay kaugnay ng mga paglabag ng mga resort owners duon.
Sinabi ni Cimatu na kanyang ipinag-utos nuon sa mga establisimiyento na ayusin ang kani kanilang sewerage system.
Gayunman, iginiit ng kalihim na hindi siya makakapagrekomenda hanggat hindi nakikita ang resulta ng mga ipinagawang sewerage system.
Hindi aniya ito masusubukan kung ipapasara ang Boracay dahil walang mga turistang susubok sa mga ito.
Binigyang diin ni Cimatu na binigyan niya ng isang buwan ang mga may ari ng gusali sa Boracay para ayusin ang problema.
RPE