Tiniyak ni bagong DENR Secretary Roy Cimatu na po-protektahan niya ang kalikasan mula sa pagmimina at iba pa sa kanyang pag-upo sa kagawaran.
Sa kanyang acceptance speech matapos isalin ni outgoing DENR Secretary Gina Lopez ang bandila ng kagawaran kay Secretary Cimatu, sinabi ng bagong kalihim na sisikapin niyang magampanan ang tungkuling iniatas sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinukoy pa ni Cimatu ang kanyang tatlong p na panuntunan sa panunungkulan sa gobyerno, ang una ay ang proteksyon sa sangkatauhan laban sa kalaban ng estado; proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers at panghuli ay proteksyon sa kalikasan.
Nakahanda rin aniya siyang makinig at gamitin ang kapangyarihan at pondo ng DENR para matugunan ang mga concern ng iba’t ibang sektor .
Kasabay nito, hinimok ni Cimatu ang lahat ng puwersa ng DENR mula sa mga matataas na opisyal ng kagawaran, mga ranger, mga forester, geologist at maging ang janitor na makipagtulungan sa kanyang liderato para sa maayos na pangangasiwa sa kagawaran.
By: Meann Tanbio