Tiniyak ng Malacañang na walang magaganap na malawakang pagkawala ng trabaho sa mga komunidad na apektado ng pagsasara at pagsususpindi ng mga operasyon ng minahan.
Ayon ito sa pahayag ng Department of Finance kasunod ng paghahayag ng ilang miyembro ng gabinete hinggil sa posibleng maging negatibong resulta ng naturang desisyon ni DENR o Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez.
Sa isang pahayag, nagpasalamat ang Chamber of Mines of the Philippines sa hakbang ng pamahalaan para sa due process kaugnay sa isyu ng pagmimina.
Samantala, sa kanyang panig, sinabi ni Lopez na sinusuportahan niya ang naturang due process dahil sumunod din sya rito.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni DENR Secretary Gina Lopez
By: Avee Devierte