Naniniwala si Environment Secretary Gina Lopez na makakamit ang pangmatagalang kapayapaan kung makakatrabaho ng gobyerno ang NPA o New Peoples Army sa pagpapaunlad sa mga komunidad sa bansa.
Sa isang facebook live question and answer, sinabi ni Lopez na kumpyansa siyang isusuko ng mga rebelde ang kanilang armas kung bibigyan ang mga ito ng trabaho ng gobyerno.
Isa sa binabalak ni Lopez, ang pagbuo ng tinatawag na peace zones kung saan sama-samang magtatrabaho ang mga rebelde, sundalo at mga empleyado ng pamahalan para paunlarin ang isang komunidad.
Una nang sinabi ni Lopez na gusto niyang makatrabho ang mga NPA members sa pagpapaunlad ng mga komunidad sa Agusan Del Norte.
By: Jonathan Andal