Papanagutin ni DENR Secretary Gina Lopez ang sinumang kumpanya, indibidwal, kapamilya man o hindi sakaling lumabag ito sa batas ng kapaligiran.
Ito ang tiniyak ni Lopez matapos ireklamo ng mga residente sa Mt. Talinis ng Negros Oriental ang energy development corporation o EDC hinggil sa planong palawakin ang kanilang geothermal plant.
Ang EDC ay pagmamay-ari ng pamilya Lopez at sila ang nagpapatakbo ng 223-megawatt geothermal plant sa Valencia, Negros Oriental.
Ayon sa kalihim, hindi siya mangingiming gamitin ang batas para protektahan ang kapaligiran at mapangalagaan ang ecological balance ng Mt. Talinis.
By: Meann Tanbio