Ligtas nang nakabalik sa Metro Manila si Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu.
Ito’y makaraang maaksidente ang sasakyan ni Cimatu habang bumibiyahe iyon sa bayan ng Culasi, lalawigan ng Antique kahapon ng umaga.
Ayon sa DENR Region 6, hinabol umano ng kalihim ang kaniyang flight mula sa bayan ng San Jose pabalik ng Maynila nang sumalpok ang sasakyan nito sa isa pang sasakyan.
Tinangka umanong i-overtake ng sasakyan ng kalihim ang isang tricycle nang mangyari ang aksidente na nagresulta ng malaking pinsala sa sasakyan ng kalihim.
Gayunman, masuwerteng walang nasugatan o nasaktan sa naturang aksidente habang patuloy naman itong iniimbestigahan ng mga awtoridad.