Sanib-puwersa ang SM Prime Holdings Incorporated at DENR sa panawagan sa local public officials.
Ito ay para itigil na ang ginagawang groundwater extraction at sa halip ay mag invest sa rainwater collection para sa recycling at impoundment gayundin ay mag explore ng mga bagong teknolohiya tulad ng modular desalination at modular sewage treatment plants para mapangasiwaan ang mga epekto ng climate change sa water resources ng bansa.
Sa idinaos na multi-stakeholder forum na tinaguriang “Towards a Greener Footprint” Sa Iloilo City nagbahagi si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ng mga posibleng solusyon na makakatulong sa local government na mabawasan ang carbon footprint na nakatuon sa water conservation bilang tugon sa napipintong krisis sa tubig at mapataas ang access sa malinis at ligtas na tubig.
Ayon kay Secretary Loyzaga, kailangang mag-invest sa tamang engineering at infrastructure para makakuha ng tubig mula sa source at iwasan kundi man mabawasan na ang groundwater extraction sa mga mabababang lugar na nagpapabaha pa rito.
Binigyang-diin ni Secretary Loyzaga na ang makukuhang tubig ulan ay hindi lamang dagdag supply na gagamitin sa mga bahay kundi makakatiyak ng available surface atert sa pamamagitan ng maintenance ng watershed cover kapag in-impound ito.
Batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang tubig na nakuha para sa sariling gamit ay tumaas mula 215.2 billion cubic meters nuong 2020 sa 217.8 BCM sa 2021.
Mula 2010 hanggang 2021, ang pinakamataas na self-abstracted water para sa power sector ay 58.7 percent na sinundan ng agriculture – 33.5%, mining and quarrying, manufacturing at construction – 5.3% at services sector at households – 2.6%.
Una nang inihayag ng DENR na mayruong sapat na supply ng tubig subalit kailangang magkasa ng tamang pangangasiwa rito para maiwasan ang posibleng krisis sa tubig bago matapos ng taong ito.
Sinuportahan ito ng SM Prime kaya naman ibinahagi ni Engr. Liza Silerio, SM Supermalls Vice President for Corporate Compliance kung paano pinalakas ng SM Prime ang sustainability programs nito simula nang ang recycle ng tubig ang sm supermalls nuong 1990’s.
Mula rainwater catchment para mapigilan ang pagbaha sa mga lugar kung saan nakatayo ang kanilang mall, nanguna rin ang SM Prime sa mall-based rainwater filtration system kung saan kino-convert ang tubig ulan para magamit na panghugas, panglinis at maging pang-inom.
Sa katunayan ay inilunsad sa SM City Baguio ang pasilidad na nagsu-supply sa mall tenants’ ng sapat na potable water para makabawas na rin na makakuha sa water table ng mga komunidad.
Ayon pa kay Engr. Silerio, bilang isa sa nangungunang real estate developers sa Southeast Asia, nasaksihan ng SM Prime ang mga firsthand effects ng natural hazards na dahilan nang pabago- bagong panahon sa bansa kung saan rank one ang Pilipinas sa world risk index 2022 report bilang most vulnerable sa halos 200 bansa.
Tiniyak ni Engr. Silerio na patuloy ang SM Prime sa paghanap ng mga paraan para tugunan ang mga hamon ng klima habang patuloy sa pagpapaunlad ng resource consumption bilang bahagi ng climate action.