Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kaligtasan ng quarry operations na kanilang pinayagang makapagpatuloy ng operasyon.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, ang inalisan nila ng suspension order ay yung mga quarry na mahigit isang kilometro ang layo mula sa komunidad.
Sinabi ni Jonas na dadaan sa matinding assessment ang sampung porsyento ng quarry operations sa bansa na nananatiling suspendido sa kasalukuyan.
“So ang naging criteria ng ating kalihim to make sure na safe ang mga community tiningnan at in-assess namin ang areas na unang-una ay dapat walang community doon sa 1 kilometer away from the ground zero, natapos ang assessment natin ng mga 5 days lang sa pamamagitan ng paggamit ng drone.” Pahayag ni Leones
(Ratsada Balita Interview)