Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magkakaroon ng maayos na turnover ang ahensiya ng mga programa at proyekto para sa susunod na administrasyon.
Ayon kay DENR Acting Secretary Jim Sampulna, bumuo na siya ng transition team at handa na ang mga dokumento na ipapakita sa susunod na DENR secretary.
Aniya, ang hakbang na ito ay base sa bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang cabinet officials.
Samantala, kabilang sa malalaking programa ng kagawaran na ipapasa sa susunod na administrasyon ang Boracay rehabilitation at Manila Bay rehabilitation.