Pinawi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pangamba sa posibleng kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila ngayong tag-Init.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tiniyak mismo ni Environment Sec. Roy Cimatu kay Pangulong Rodrigo Duterte na sapat ang suplay ng tubig sa kalakhang Maynila.
Ito’y matapos magsagawa ng inspeksyon ang kalihim sa Angat Dam kung saan ipinakita nito ang kapabilidad at limitasyon nito.
Ani Panelo bukod sa ginarantiyahan ito ni Cimatu nagprisinta pa umano ito ng water supply outlook at action plan.
Nasa 97% ng tubig sa Metro Manila ang nanggagaling sa Angat Dam.