Kumpyansa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pwede nang languyan ang Manila Bay pagsapit ng Setyembre.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, target ng ahensya na mapababa ang coliform level ng tubig sa Manila Bay mula sa 700-milyon pababa ng hanggang sa 200-milyong coliform level.
Paliwanag ni Antiporda, ainsunod sa criteria, 200-milyong coliform level ang kailangan para masabing ligtas na paliguan ang Manila Bay.