Dumistansya ang DILG o Department of Interior and Local Government sa grupo ng mga abogadong nagsusulong ng impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.
Ipinaliwanag ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing na naroon lamang siya sa press conference ng Impeach Leni Team para ipakilala ang grupo.
Sinabi ni Densing na nilapitan lamang siya ng grupo dahil sa kanya nagmula ang ideya na maituturing na economic sabotage ang pagpapalabas ng video message ni Robredo sa United Nations hinggil sa extrajudicial killings dahil inilagay nito sa panganib ang trade agreements ng bansa tulad ng sa European Union (EU).
“Kahapon, it’s a way for me to introduce, kasi nung pagkatapos ng panawagan na i-impeach si VP Leni dahil sa ginawa niya sa UN, naging mitsa lang naman yun, hindi lang naman yun lang, itong mga abogado ang nagsabi na magfa-file, sila’y pinaki-usapan ko na lumantad sa publiko para makita na meron talagang maghahain, after one week na pinag-aralan nila yung impeachable offenses ng Pangalawang Pangulo over the last 7 or 8 months, ayun lumantad sila kahapon, pinakilala ko lang sila.” Ani Densing
Gayunman, ayon kay Densing, hindi lamang naman ang video message ni Robredo sa UN ang pagbabasehan ng impeachment case.
Bahagi ng pahayag ni DILG Assistant Secretary Epi Densing
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)