Hindi nagawang makabawi ng Los Angeles Clippers matapos pataubin ng Denver Nuggets sa NBA sa iskor na 127-115.
Tinambakan ng Nuggets ang Clippers sa una at ikalawa habang naging tabla naman ang iskor ng dalawang koponan sa ikatlong quarter pero muling naagaw ng nuggets ang ika-apat na quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nanguna sa iskor ng Nuggets si Nikola Jokic matapos magpakawala ng 30 points, 14 rebounds at 6 assists habang nasayang naman ang naitalang 24 points, 8 rebounds at 4 assists ni Terance Mann ng Clippers.
Abangan naman bukas ang susunod na laro ng Nuggets kung saan kanilang makakalaban ang Phoenix Suns alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas. — sa panulat ni Angelica Doctolero