Nadepensahan ni Tyson Fury ang kanyang WBC heavyweight boxing title.
Ito’y makaraang patulugin ni Fury sa ika-labing isang round ang challenger na si Deontay Wilder sa kanilang bakbakan sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Ilang beses ding nagkaroon ng knockdown incidents sa laban pero mas nangibabaw sa bandang huli si Fury matapos masapol ng malakas na right hook si Wilder.