Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture Central Visayas (DA7) sa publiko na ligtas sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa buong rehiyon.
Sinabi ni DA-7 OIC-Regional Executive Director Joel Elumba, naghigpit ang ahensya sa lahat ng mga lugar sa rehiyon nang hindi mapasukan ng ASF virus.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Regional Veterinary Quarantine 7 – Bureau of Animal Industry at lahat ng tanggapan ng provincial veterinary at mga beterinaryo ng mga lokal na pamahalaan.
Hinimok din nito ang publiko na makipagtulungan sa pagsunod sa biosecurity measures para maprotektahan ang naturang rehiyon mula sa ASF.