Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na ikinasa na nila ang ilang mga hakbang upang mapaghandaan at maagapan ang naka-ambang food crisis na inaasahang mararanasan ng bansa sa ikalawang semestre ng taon.
Ayon kay DA Secetary William Dar, mayroon ng ginagawa na intervention ang pamahalaan tatkong buwan na ang nakakaraan, kung saan kabilang ang pagpapataas ng local food productions tulad ng palay, mais, gulay at iba pa.
Nabatid na namamahagi na rin ang kanilang ahensiya ng biofertilizers dahil sa pagtaas ng presyo ng abono sa merkado.
samantala, kabilang na rin sa naturang hakbang ang local feeds formulation at production, paghihikayat sa urban agriculture, pamamahagi ng fingerlings o aquaculture fisheries at food mobilization o pagpapakalat ng mga kadiwa markets.