Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga negosyante mula sa United Arab Emirates (UAE) na mag-invest o mamuhunan sa mga crop at fishery sector ng Pilipinas.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, layunin ng ahensya na mai-promote ang likas na yaman maging ang ibat-ibang mga materyales at mga manggagawa ng bansa.
Sinabi ni Dar na madaming pwedeng pagkakitaan sa sektor ng agrikultura kung saan, kabilang sa listahan ang investment opportunites sa niyog, Philippine “carabao” mangoes, pineapple, banana, mga kopra, at humigit-kumulang 3.65M ektarya ng mga bukirin.
Para naman sa sektor ng pangisdaan, sinabi ng hepe ng da na ang industriya ay may mga business venture sa katubigan ng bansa na sagana sa suplay ng isda at Aquaculture. —sa panulat ni Angelica Doctolero