Inaasahan na muling babangon ang sektor ng agrikultura ngayong 2025.
Ito ayon sa Department of Agriculture ay kasunod ng mababang produksyon noong nakaraang taon dahil sa epekto ng El Niño at La Niña.
Sinabi ng ahensya, bagama’t nakikitang magpapatuloy pa rin ang La Niña hanggang sa 1st quarter ng taon, inaasahang pa rin nito na aabot muli sa 20 metric tons ang produksyon ng palay ngayong taon, katulad ng naitala noong 2023.
Nabatid na ibinaba sa 19.41 million metric tons ang estimate na palay output para sa taong 2024 dahil sa pinsalang dulot ng mga kalamidad. - sa panulat ni John Riz Calata