Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na amyendahan ang charter ng Philippine Fisheries Development Authority.
Ayon kay Secretary Laurel, target ng kanilang departamento na mapalawak ang tungkulin nito at maisama ang pagbuo at pamamahala ng marine at agro-industrial estates sa buong bansa upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain.
Nabatid na bago naging Agriculture Secretary si Laurel, binuo niya ang isa sa pinakamalaking fishing companies sa Southeast Asia.
Sinabi ng DA Official, na ang pagsasaayos sa function ng PFDA ay kaugnay ng Philippine Rural Development Program.
Binigyang diin ng kalihim na layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawing moderno ang agricultural sector na bahagi ng mga pangunahing estratehiya ng bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Inilarawan ng kalihim ang kanyang pananaw para sa marine at agro-industrial estates bilang one-stop shop na binubuo ng mga daungan, cold-storage facility, silo, at warehouses na makapag imbak ng farm at marine products.
Una nang nakipagpulong ang DA Chief sa mga mambabatas nitong mga nakaraang araw upang humingi ng mga posibleng adjustments para sa 2024 national budget. - sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)