Nilinaw ng Department of Agriculture na hindi buong bansa o lahat ng lugar sa Pilipinas ang maapektuhan ng El Niño season.
Ito’y sa gitna ng ginagawang paghahanda ng labing pitong ahensya ng gobyerno sa inaasahang epekto ng El Niño sa bansa.
Partikular sa mga lugar ng Western Luzon.
Ayon kay Agriculture Director U-Nichols Manalo, tututukan ng kagawaran ang mga naturang rehiyon pati na rin ang mga magsasaka at mangingisda na pinaka-maaapektuhan ng panahon ng tagtuyot.
Ngunit paglilinaw nito na lahat ay ibabase sa siyensya.
Gaya na lamang ng pagsasagawa ng cloudseeding dahil may mga konsiderasyon na dapat isaalang alang bago magkasa nito
Kasabay nito, tiniyak ni Interior and Local Government Director Edgar Allan Tabell na bibigyan ng kaukulang technical assistance ang mga local government unit gaya na lamang ng sapat na personnel at mga pagsasanay upang mapaghandaan ang epektong dulot ng El Niño. - sa panunulat ni Jenn Patrolla.