Pinayuhan ng Department of Budget and Management (DBM) na huwag munang magtaas ng buwis kapag nagsimula na sa pangangasiwa sa gobyerno, ang Marcos Administration.
Ayon kay DBM acting Secretary Tina Rose Canda, hindi makakatulong sa problemang pinansiyal ng bansa ang pagpapataw ng dagdag na buwis dahil hindi pa nakakabangon ang mamamayan sa kalbaryong pinagdaanan mula sa epekto ng pandemie.
Batay sa pahayag ng Ibon Foundation, P5.9T ang utang ng gobyerno noong 2016 at lumobo ito ng P12.7T ngayong 2022 na iiwan ng Duterte administraton.
Samantala, binigyang diin ni Canda, na may dahilan kung bakit nangutang ang gobyerno at ito ay dahil sa covid-19 pandemic kung saan walang isolation facilities, kulang ang hospital beds at hindi puwedeng i-sakripisyo ang buhay ng mga Pilipino.