Kumpyansa ang Department of Finance na magbabago pa ang isip ng US Aid Agency na Millenium Challenge Corporation ang desisyon nitong ihinto na ang pagbibigay ng pondo sa Pilipinas.
Ito ay matapos na kanselahin ng MCC ang tulong sa bansa matapos na aminin ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakapatay na sya ng isang kriminal nuong sya ay alkalde pa ng Davao City.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, posibleng i- reconsider ng naturang aid agency batay na rin sa naging pag uusap nina Duterte at Trump kung saan sinabi ng bagong Pangulo ng Amerika na nauunawaan nito ang ginagawang kampanya kontra droga sa bansa.
Nakalaan sana ang nasabing pondo para sa ikalawang sigwada ng anti – poverty program ng gobyerno.
By: Rianne Briones