Binigyang diin ng Department Of Health (DOH) na lahat ng bakuna kontra Covid-19 ay ligtas at epektibo.
Ito ay ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kasunod ng ilang kalituhan sa pinahabang shelf life ng mga bakuna.
Una nang sinabi ng kagawaran na pinalawig ang expiration date para sa Pfizer vaccine habang nakikipag-usap pa ang mga otoridad sa Astrazeneca upang pahabain rin ang shelf life ng ilang bakuna.
Ayon kay Cabotaje, hindi umano ito ibibigay sa publiko kung hindi dumaan sa pag-aaral at kung hindi ligtas sa katawan ng tao.
Aniya, nakadepende sa stability data ang shelf life ng isang bakuna na ipinapakita ng mga manufacturers.