Nakikipag-ugnayan na ang Department of National Defense (DNB) sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa posibleng repatriation ng mga Pilipino sa ibang bansa na apektado ng sitwasyon sa Ukraine at North Korea.
Ayon kay defense secretary Delfin Lorenzana, mahigpit nilang babantayan ang mga pangyayari sa Ukraine at maging ang missile test na ginawa ng North Korea.
Aniya, pinagaaralan din nila ang posibleng “direct” at “indirect” na epekto ng mga kaganapang ito sa seguridad at ekonomiya ng bansa.
Samantala, tiniyak ng kalihim na handa ang DND na tumulong sa pagpapauwi ng mga Pinoy na nasa ibayong dagat.
Nakikiisa aniya ang Pilipinas sa panawagan ng international community para sa pananaig ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan.