Isinusulong ni ACT-CIS Partylist Representative Nina Taduran ang pagbuo ng panibagong ahensya para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon kay Taduran magpo-focus ang bubuuing Department of OFW sa iba’t-ibang problema ng mga tinaguriang bagong bayani tulad ng passport at pakikitungo sa kanila ng kanilang employers.
Sinabi ni Taduran na mayroon siyang mga nakakausap na OFW na nag-aakalang hindi sila pinapakain ng kanilang mga amo.
Pinapakain naman pala aniya ang mga ito subalit hindi lamang makain ang mga pagkain ng mga Arabo.
Binigyang diin pa ni Taduran na hindi rin dapat hinahawakan ng mga amo ang visa at passport ng isang OFW na nagiging problema sa sakaling mag-exit na ang mga ito sa mga bang pinagtatrabahuhan.
Ayon pa kay Taduran makakatulong din ang Department of OFW para maiwasan ang under-employment tulad ng mga guro na ginagawang domestic helper sa ibang bansa.