Isusulong ng partylist group 1-Pacman ang pagbuo ng Department of Sports sa pagbubukas ng 17th Congress.
Tatlo ang magiging kinatawan ng 1-Pacman sa 17th Congress makaraang makakuha ito ng 1.3 million votes.
Ayon kay incoming 1-Pacman Representative Mike Romero, ang Department of Sports ang magiging kasagutan sa lahat ng problema sa palakasan at maging sa kasalukuyan at dating mga atleta na napabayaan ng gobyerno.
Magiging cabinet position aniya ang Department of Sports kaya’t ang pondo nito ay magmumula na sa national government at hindi sa PAGCOR o PCSO.
Isusulong rin anya nila na buwagin na ang magkakahiwalay na mga ahensya sa palakasan tulad ng Philippine Sports Commission sa sandaling mabuo ang Department of Sports.
Job generation
Lilikha ng isang milyong trabaho ang partylist group na 1-Pacman sa pagbubukas ng 17th Congress.
Ayon kay Incoming Partylist Representative Mike Romero ng 1-Pacman, nasimulan na nya ito sa kanyang personal na kapasidad nang makalikha sya ng 100,000 trabaho.
Marami na anya silang naihandang panukalang batas na agad nilang ilalatag sa pagbubukas ng 17th Congress.
By Len Aguirre | Ratsada Balita