Hindi naniniwala ang Department of Trade and Industry na ibabalik sa mas mahigpit na Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) sa gitna ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na kailangan nang mapanatili ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa kaya malabong magpasya ang Inter-Agency Task Force (IATF) na isasailalim sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Paliwanag pa ng kalihim na natutunan na ng mga otoridad na hindi dapat mauwi sa escalation ng alert level ang mild COVID-19 cases at mababang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate.
Una nang sinabi ng kagawaran na mababa ang utilization rate ng health care facilities kahit pa tumaas ang lingguhang kaso ng COVID-19 sa 14 na local government unit sa Metro Manila.