Nagsasagawa na ng paghahanda ang Department of Education (DEPED) at ang Commission on Higher Education (CHED) para sa gagawing pagbabakuna sa mga paaralan.
Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergiere kasunod ng inilabas na resolusyon ng IATF ukol dito.
May mga pag-uusap na ani Vergiere ang bawat ahensiya ng pamahalaan para sa mga kinakailangang preparasyon.
Pero paglilinaw ni Vergiere, dedepende parin ito sa mga magulang kung papayagan nilang mabakunahan ang kanilang mga anak.
Giit pa ng DOH official, sa pamamagitan nito ay mas mailalapit na sa mga mag-aaral ang pagbabakuna na isang hakbang din upang mapataas pa ang bilang ng mga bakunado sa bansa. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)