Handa na ang Department of Education sa gaganaping eleksiyon sa Lunes, Mayo 13.
Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, higit 500,000 mga guro at personnel mula sa DepEd ang makikibahagi sa eleksiyon.
Kabilang dito ang 257, 304 na mga guro na magsisilbi bilang electoral board.
Gagamitin naman sa eleksiyon ang 36, 830 na mga pampublikong paaralan sa buong bansa na magsisilbing polling centers.