Nagpahayag ng kahandaan ang Kagawaran ng Edukasyon sa lalawigan ng Bicol na tanggapin ang mga estudyanteng bakwit na labis na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano.
Ayon kay DepEd-Bicol Regional Director Dr. Gilber Sadsad, bahagi na aniya ng standard procedure ng DepEd na agad na tanggapin ang sinumang mag-aaral na naging biktima ng isang trahedya kahit wala pa itong credentials.
Hindi naman kasi aniya ito magiging problema dahil may iisang kurikulom lamang na itinuturo ang lahat ng pampublikong paaralan sa buong Pilipinas.
Matatandaang, dati naring binuksan ng DepEd -Bicol ang kanilang pintuan para sa mga mag-aaral na naging biktima noon ng Marawi siege.