Binigyan na ng ‘go signal’ ng Department of Education (DepEd) ang private schools na simulan ang kanilang klase sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto.
Ipinaliwanag ni Education Secretary Leonor Briones sa virtual press briefing na ang direktiba ay nakabatay sa itinatakda ng batas hinggil sa petsa nang pagbubukas ng klase.
Gayunman nilinaw ni Briones na bawal muna ang face to face classes hanggang bago mag Agosto 24 na siyang opisyal na pagsisimula ng klase a mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Samantala ipinabatid ni Briones na magpapatupad din ang DepEd ng iba’t ibang learning delivery options tulad ng face to face blended learnings, distance learnings, home schooling at iba pang modes of delivery.
Subalit naka depende ito aniya sa local covid risk severity classification at sa pagtalima sa minimum health standards.