Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na bubuo sila ng Learning Recovery Plan Framework bilang bahagi ng post-pandemic efforts.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layon nitong tugunan ang mga kakulangan sa pagtuturo, matiyak na makahabol at mapabalis ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ito aniya ay sa pamamagitan ng pagpapaigting ng reading interventions, pagsasagawa ng regular home visits at follow-up, implementasyon ng physical at virtual study groups o buddy systems at iba pa. —sa panulat ni Airiam Sancho