Bukas ang Department of Education sa posibilidad ng pagsasagawa ng regular drug test sa pampubliko at pribadong paaralan sa harap ng mainit na kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.
Gayunman inamin ni education Assistant Secretary Jesus Mateo na mangangailangan ito ng mas malaking pondo.
Sa ngayon kasi aniya ay limitado ang DepEd sa pagpapatupad ng random drug testing.
Tiniyak naman ni Mateo na kanilang pag-iibayuhin ang curriculum na tumatalakay sa panganib na dulot ng paggamit ng iligal na droga.
Naniniwala ang DepEd na ang usapin ng paglaban kontra droga ay hindi lamang dapat ipaubaya sa mga guro at mga pulis dahil ito anila ay problemang naka-ugat sa lipunan.
By Ralph Obina