Bumubuo ang Department of Education (DEPED) ng isang programa na magtuturo sa kinder hanggang grade 12 students kung paano maging peace builders sa mga komunidad.
Iniulat ito ni Vice President Sara Duterte na tumatayo rin bilang Education Secretary.
Ayon kay Duterte, saksi siya sa kung paano masira ang buhay ng ilang kabataan, partikular ang mga indigenous people, dahil sa pag-sali ng mga ito sa pwersa ng New People’s Army (NPA).
Layunin din aniya ng kanilang ahensya na walang maitalang student dropout dahil sa pagsali sa rebel groups.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Department of Education (DEPED) sa Commission on Higher Education (CHED) na isinusulong na ipatrupad ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) upang maturan ang mga estudyante na manilbihan sa bansa. - sa panulat ni Hannah Oledan