Sinuspinde ng Department of Education- Calabarzon ang mga klase sa lahat ng grade level mula January 17 hanggang January 29 sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Kabilang dito ang Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.
Ayon sa Deped-Calabarzon, ang pagsuspindi ay bahagi ng inisyatiba ng rehiyon para sa ligtas na operasyon at kapakanan ng mga nasasakupan.
Kasama rito ang lahat ng aktibidad sa paaralan, pisikal man o online na kinabibilangan ng mga guro, mga mag-aaral at mga magulang.
Mananatili naman sa January 31 hanggang February 5 ang midyear break sa kabila ng pagpapaliban ng mga klase.
Samantala, hinikayat ng deped-calabarzon ang schools division offices na magsagawa ng curriculum adjustments pagkatapos ng nasabing suspensyon. —sa panulat ni Airiam Sancho