Blangko pa ang Department of Education o DEPED kung ilang guro ang magtuturo sa may 100 pampubliko at 20 pribadong paaralan na pagdarausan ng pilot testing ng face-to-face classes.
Gayunman umapela si Dr. Anna Ong-lim ng vaccine cluster ng pamahalaan na dapat ikonsidera ng mga guro at mga tauhan ng paaralan ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Lim, maituturing na game changer ang pagbabakuna kontra COVID-19 kaya dapat isaalang-alang ang kapakanan ng lahat.
Kasunod nito, pinamamadali ng Department Of Health o DOH ang pagbabakuna sa mga guro sa pribado at pampublikong paaralan upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sakaling matuloy na ang face-to face classes.